Kelot, Kulong sa Deodorant

SA KAGUSTUHANG HINDI mangamoy putok, lalo pang titindi ang putok sa kili-kili ng isang kelot matapos itong mahuli sa aktong nagnakaw ng deodorant sa loob ng supermarket kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas Police at nahaharap sa kasong Theft ang suspek na si Rafael Lasareto, 25, binata, ng Parola St., North Bay Boulevard North, Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon, pumasok ang suspek sa loob ng Ever Supermarket sa NBBS ng lungsod at nagpanggap na customer.

Pagpasok ay kumuha ito ng apat na pirasong Axe Twist Deodorant na nagkakahalaga ng P200 ang bawat isa. At sa halip na tumungo sa cashier booth para bayaran ay pakaswal itong lumabas ng nasabing supermarket.

Agad naman itong nakita ng security guard ng supermarket na si Rodolfo Quiñones, at dinala ito sa presinto para sampahan ng nabanggit na kaso.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.