Kelot, kulong sa boga

 

SWAK SA KULUNGAN ang isang lalaking lasing matapos magpaputok ng baril sa Malabon City, Lunes ng madaling-araw, Nobyembre 28.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearm si Roberto Garcia, 35 ng M. H. Del Pilar, Tinajeros ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-12:45 ng madaling-araw, lasing ang suspek at habang nasa kalsada sa nabanggit na lugar ay naglabas ng baril at nagpaputok sa ere.

Ilang residente ang tumawag ng pulis at nang respondehan ay inabutan ang suspek na nakatayo pa sa kalsada.

Nang kapkapan ay nakuhanan ng .22 kalibre ng baril at dahil walang sapat na papeles ay dinala sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.