Kelot, kulong sa bato

SHOOT SA PIITAN ang isang kelot nang mahulihan ng Shabu makaraang tumakbo nang makakita ng mga pulis sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Jerry Bayog, 37, ng Phase 7C, Bagong Silang ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-3:50 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis sa LD rd., Tala ng lungsod nang makita ng suspek at agad na nagtatakbo.

Hinabol ng mga pulis ang suspek at nang maabutan ay kinapkapan at nakuha ang isang sachet ng Shabu  sa bulsa nito na naging dahilan upang dalhin sa presinto.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.