Kelot, Kulong Nang Maghagis ng Granada

KULONG ANG isang kelot matapos maghagis ng granada sa tapat ng burger stand sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Denver Cuevas, 20, ng Avocado St., Bisalao, Bagbaguin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:20 ng umaga, bumili ng buger ang saksing si Ryanel Aguilar sa Avocado St., kung saan kasunod na bumili ang suspek.

Papaalis na ang saksi nang may sumigaw na “Takbo, Sasabog” at nang lingunin ang suspek ay nakitang inihagis ang granada na mapalad na hindi sumabog.

Rumesponde ang mga pulis at nakuha ang MK2 fragmentation grenade habang nadakip naman ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.