Kelot, Kritikal saTaga ng Magpinsan

PINAGHAHANAP NA ng pulisya sa Camarines Sur ang magpinsang suspek sa pananaksak at pananaga sa kani-lang kapit-bahay.

Kinilala ang magpinsang sina Ronnie at alyas “Pulosto” Benico, parehong residente ng Barangay La Purisima, bayan ng Nabua.

Sinabi ni PO2 Elmer Reodique ng PNP Nabua na naglalaro lamang ng baraha ang salarin na si Fausto Deletado sa bahay ng isang Elmer Razon sa naturang lugar nang bigla na lamang tagain sa ulo ni Ronnie.

Duguan ang biktima na sinubukan pang tumakas subalit si alyas Pulusto naman ang sumugod dito ng saksak gamit ang isang kutsilyo.

Kaagad na tumakas ang dalawa matapos ang krimen habang agad nadala ng kanyang mga kapit-bahay sa pagamutan si Deletado.

Samantala, sinasabing matagal nang may hindi pagkakaunawaan si Delatado kay Ronnie at tinulungan na lamang ng pinsan nito.

Kasalukuyang nagpapagaling na ang biktima at handang magsampa ng kaso laban sa magpinsan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.