Kelot, Kritikal sa Tanod

 

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang kelot matapos itong pagsasaksakin ng barangay tanod habang ang una ay naglalakad kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Isinugod sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC), Caloocan City sanhi ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rusty Jomar Pucad, 19, binata, ng No. 146 Nadurata St., Brgy. 26, Maypajo, Caloocan City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Ronald Imberga, nasa hustong gulang, barangay tanod ng No. 113 Silanganan St., ng nasabing barangay na mabilis na tumakas dala ang ginamit na patalim.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Silanganan St., ng nasabing lungsod.

Nabatid, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang bigla na lamang itong salubungin ng saksak ng suspek saka tumakas .

Dinala naman ng ilang nakakita sa insidente ang biktima sa naturang pagamutan upang lapatan ng lunas ang tinamo nitong sugat.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nabanggit na insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.