Kelot, Kritikal sa Pagtanggi sa Tagay

KRITIKAL ANG isang kelot matapos saksakin ng isa sa nag-iinuman makaraan ang pagta-talo nang tanggihan ng una ang tagay ng huli sa Navotas kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Rammil Santos, 28 ng Interior Governor Pascual, San Jose ng lungsod.

Nadakip naman si Orlando Javier, 28 at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, alas-5:45 ng madaling-araw nang madaanan ng biktima ang suspek na nakikipag-inuman sa kanilang lugar.

Nilapitan ng suspek ang biktima at tinagayan na tinanggihan ng huli na ikinagalit ng una hanggang sa magtalo.

Nagbunot ng patalim ang suspek at tinarakan ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa TMC habang nadakip ang suspek ng mga rumespondeng mga pulis at barangay tanod.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.