Kelot, kritikal sa pagkindat sa bebot

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang isang lalaki makaraang saksakin ng kasabay na pasahero sa pampasaherong dyip nang mabighani ang una at kindatan ang kasamahang bebot ng huli kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tinamong tama ng saksak sa tiyan ang biktimang si Roger Abellieda 26, binata, utility boy ng Adriatic Manufacture, at residente ng #15 Paraiso St., Karuhatan ng nasabing lungsod.

Isang follow-up investigation naman ng isinasagawa ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng San Isidro Labrador Church, Mac Arthur Highway, Malinta, Valenzuela City.

Bago ang insidente, lulan ang biktima ng pampasaherong dyip kabilang ang suspek at ang bebot na kasama nito. Habang binabagtas ang naturang lugar, napatingin ang biktima sa bebot na kasama ng suspek sabay kindat nito.

Dahil dito, nairita ang suspek sa ginawi ng biktima kung kaya’t agad nitong kinuha ang dalang patalim at walang sabi-sabing sinasaksak ang biktima, dahil sa nagkagulo sa loob ng jeep, biglang nag-preno ang drayber na hindi nakuha ng pangalan nito.

Habang nakahinto ang dyip, mabilis na tumakas ang suspek kasama ang bebot habang agad naman dinala sa nasabing pagamutan ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.