Kelot, kritikal sa mga holdaper

KRITIKAL ANG ISANG lalaki matapos barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang lalaki nang manlaban ang una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa FEU hospital sanhi ng tama ng bala sa leeg si Norman Consenes, 33 ng Dela Costa Homes, San Jose del Monte, Bulacan.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, kasakay ng biktima ang mga suspek sa pampasaherong jeep at pagsapit sa Ilang-Ilang St., Bagong Silang ng lungsod ay nagdeklara ng holdap ang mga huli.

Kinuha ng mga suspek ang mga pera at gamit ng ibang pasahero, subalit nanlaban ang biktima.

Isa sa mga suspek ang bumaril sa biktima bago nagsitakas habang dinala naman si Consenes sa nasabing ospital.        (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.