Kelot, Kritikal sa Kapitbahay

KRITIKAL SA PAGAMUTAN ang kelot matapos itong saksakin ng kanyang kapitbahay habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isinugod sa East Avenue Medical Center, Quezon City sanhi ng tama ng saksak sa tiyan ang biktimang si Jason Florendo, 22, tubong-Camarines Norte, ng J.P Rizal St., Lower Tawi-Tawi, Brgy. 181, Pangarap Village, Caloocan City.

Tugis naman ng mga awtoridad ang suspek na si Ronaldo Capua, 26, ng nasabing lugar na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng J.P. Rizal St., ng nasabing barangay.

Kasalukuyang naglalakad ang biktima nang makasalubong nito ang suspek. Dito walang sabi-sabing sinaksak ito saka tumakas.

Agad naman dinala sa nasabing pagamutan ang biktima upang lapatan ng lunas ang tinamo nitong sugat. Inaalam na ng pulisya ang motibo sa nabanggit na insidente. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.