Kelot, Kritikal sa Inggit

SOBRANG INGGIT at galit umano ang sinasabing dahilan ng malubhang pagkakasugat ng isang lalaki makaraang dalawang ulit na undayan ito ng saksak ng kanyang kapitbahay sa Bagong Silang, Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na kasalukuyang inoobserbahan sa Tala General Hospital sanhi ng dalawang tama ng saksak sa tiyan ay si Allan Camano, 31, binata, tubong-Cebu City at naninirahan sa Phase 4, Package 3, 831 Excess Lot, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang tumakas at ngayon ay pinaghahanap ng mga awtoridad  ang suspek na nakilalang si Richard Binuya, nasa hustong gulang, walang hanapbuhay at kapitbahay ng una.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, bandang alas-6:15 ng gabi nang maganap ang pananaksak sa biktima hindi kalayuan sa bahay ng una at ng suspek sa nasabing lugar.

Nabatid na kasaluku-yang naglalakad si Camano pauwi sa kanilang bahay nang salubungin ito ng suspek na armado ng patalim at saka patraydor na inundayan ng magkasunod na saksak sa tiyan.

Ang biktima ay du-guang humandusay sa kalsada habang ang huli ay mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksiyon dala-dala ang ginamit na patalim.

Napag-alaman pa na mula sa ilang kalugar, ang biktima ay masyado umanong popular sa kanilang lugar dahil sa pagiging matulungin nito sa kapwa na labis na kinalulugdan ng kanilang mga kapitbahay.

Ang biktimang si Camano ay mabilis na dinala ng ilang ilang kapitbahay sa nasabing pagamutan, kung saan ito ay kasalukuyang nakaratay habang ang huli naman ay ipaghaharap ng kasong Frustrated Homicide sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.