Kelot, kritikal sa dating asawa ng ka-live-in

KRITIKAL ANG isang kelot matapos pagsasaksakin ng dating asawa ng ka-live-in sa loob ng kanilang bahay sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Aries Forbes, 20 ng Demetillo St., General T. De Leon ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Joeffrey Labitoria, 41 at kalugar ng biktima.

Base sa ulat, alas-8 ng gabi, kasabay na umuwi ng biktima ang ka-live-in na si Maria Norma, 40 at inabutan na umiinom ng alak sa tindahan ng mga una ang suspek at hindi kilalang kasama.

Dahil ang suspek ay dating asawa ni Maria Norma ay nagselos at sinabi sa kasama na titirahin na niya ng biktima.

Inawat naman ng babae ang suspek at inaya nang pumasok sa kanilang bahay ang biktima subalit makalipas ang ilang sandali ay nakarinig ng kaguluhan ang una mula sa kanilang kusina.

Nang tignan ay nakita ng babae na sinasaksak ng suspek ang biktima na naging dahilan upang humingi ng tulong ang una.

Tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa VGH.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.