Kelot, Kritikal sa Asaran

DAHIL UMANO sa walang kakuwenta-kuwenta asaran isang lalaki ang malubhang nasugatan makaraang barilin ng isa sa kanyang kainuman matapos na magkainitan sa kung sino sa kanila ang mahirap malasing sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente si Jason Abelardo, 31, driver at kasalukuyang naninirahan sa Barangay 171, Bagumbong ng nasabing lungsod. Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng awtoridad ang mga suspek na sina Richard Linisin, 21, construction worker ng Valenzuela City; at Roberto Rivera, 29, ng Bagumbong Dulo, Caloocan City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Barugo Police Station, dakong alas-11:00 ng gabi, nang maganap ang pamamaril sa harap ng isang tindahan na hindi kalayuan sa bahay ni Abelardo.

Nabatid na nag-iinuman ang tatlo kabilang ang biktima nang biglang magkainitan ang biktima at isa sa dalawang suspek dahil umano sa asaran nang sabihin ng suspek na mahinang uminom ng alak ang biktima na nauwi sa palitan ng maaanghang na salita.

Lingid sa kaalaman ng biktima, nagtanim ng galit si Linisin, gayundin si Rivera dahil siya ang nagdala kay Linisin sa nasabing lugar upang maki-pag-inuman.

Sa mga oras na iyon, pinagpaplanuhan na ng dalawang suspek si Abelardo hanggang isang clutch bag ang iabot ni Rivera kay Linisin na naglalaman pala ng baril.

Agad na kinuha ni Linisin ang hindi malamang kalibre ng baril at walang anu-ano ay pinaputok sa ulo ni Abelardo na nagresulta sa agarang pagkamatay ng biktima.

Mabilis namang sumibat ang dalawang suspek na kalaunan ay nahuli si Rivera, samantalang patuloy pa ring hinahanap si Linisin.

(ROMAN MAGPOC) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.