Kelot, Kinatay ng Mag-uutol

PINAGTULUNGANG Chop-Chop-In ng apat na magkakapatid ang isang lalaki dahil umano sa away sa itinanim na gabi sa pinag-aawayang boundary ng lote sa Sitio Sagni, Brgy. Del Pilar, Basey, Samar.

Sinabi ni P02 Winiefredo Bacasno na nabiyak ang ulo ng biktima na si Elias Garin, 53, na residente ng nasabing barangay, kung saan hindi pa umano nakuntento ang magkakapatid na salarin na sina Gil, Rocky, Rommel at Randy Baclas na brutal pa nilang pinagtataga si Garin kahit wala na itong buhay.

Dagdag pa ni Bacasno, narekober na lamang nila ang bangkay ni Garin na hiwa-hiwalay na ang ilang mga parte ng katawan dahil sa hindi bababa sa 10 ang inabot nitong mga taga.

Samantala, napag-alaman din na lasing ang magkakapatid nang gawin nila ang nasabing krimen.

Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga suspek na tumakas matapos ang naturang insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.