Kelot, Kinatay ng 3 Magkakamag-anak

TODAS ANG isang lalaki matapos pagtulungan tatadtarin ng bolo ng tatlong magkakamag-anak sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga taga sa katawan si Alberto Banate, nasa hustong gulang, ng S. Roldan St., Tangos ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na sina alyas Junior, Edwin at Aldy, mga nasa hustong gulang at pawang kalugar ng biktima.

Sa ulat, alas-9:25 ng gabi, nasa tapat ng kanilang bahay ang biktima nang sumulpot ang mga suspek at walang salitang pinagtataga ng bolo bago nagsitakas.

Dinala ang biktima sa TMC kung saan inaalam na ang motibo ng mga suspek upang katayin ang una.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.