Kelot, Kinamayan Bago Pinagtutusok ng Icepick

KINAMAYAN MUNA bago pinagtutusok ng icepick ang lalaking pinaghihinalaang asset ng pulis ng kelot sa loob ng bahay ng una sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Fatima Medical Center sanhi ng mga tusok ng icepick sa katawan si Angelito Velasco, 48, ng Pacencia St., Don Pedro Subd., Marulas ng lungsod.

Nadakip naman si Alvin Laguitan, 33, ng Arty Subd., Karuhatan ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-12:10 ng umaga, pinuntuhan ng suspek ang bahay ng biktima dahil sa hinalang ito ang nagngunguso ng mga gumagamit at nagbebenta ng Shabu sa lungsod.

Sa pahayag ng ka-live-in ng biktima na si Jamaica Bolante, nagtanong pa ang suspek kung sino ang biktima na pinapasok naman sa loob ng bahay at ipinakilala si Velasco.

Nakipagkamay ang suspek na pinaunlakan ng biktima subalit pagbitaw ng mga kamay ay sunud-sunod na tusok ang pinakawalan ng una sa huli.

Agad na dinala ang biktima sa FMC habang nadakip naman ang  suspek.

(MARY H. SAPICO) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.