Kelot, Kalaboso sa Pagtanan sa Dalagita

KULUNGAN ANG kinabagsakan ng isang lalaki matapos ireklamo ng mga magulang nang itanan nitong dalagita sa Caloocan City.

Ang naarestong suspek ay nakilalang si Kim Roxas, 18, ng San Mateo, Maypajo ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Robylyn Pines, dakong alas-11:40 noong Pebrero 25, 2013 nang ayain ng suspek sa kanilang bahay ang biktimang edad 14 ng Silanganan St., Maypajo ng lungsod.

Hindi na pinauwi ng suspek ang biktima na magkatabi nang natutulog at nang malaman ng mga magulang ng dalagita kung nasaan ang anak ay nagpunta sa presinto at nagpasama sa mga pulis kamakalawa ng hapon bago pinadakip ang suspek at binawi ang dalagita.

   (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.