Kelot, Kalaboso sa Pagdalirot sa Ari ng Nene

NABISTO ANG madalas na pagdalirot sa ari ng isang nene ng kanyang kapit-bahay na binata matapos mamaga ang ari ng una sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Nadakip naman at sinampahan ng statutory rape ang suspek na si Danilo Caledo, 24, ng Maliputo St., Dagat-dagatan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-5 ng hapon nang mapansin ng mga magulang ng biktimang edad 10 na hindi mapakali ang nene.

Nang tanungin ay sinabi ng nene na namamaga ang kanyang ari at nang usisain ay nasabi ng biktima na ilang beses siyang dinalirot ng suspek mula Disyembre noong nakaraan taon hanggang Marso taong kasalukuyan.

Dahil dito, sinamahan ang nene sa presinto at ipinadakip ang suspek bago sinampahan ng mga nasabing kaso.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.