Kelot, Kalaboso sa Pagdaliri sa Apo ng Ka-Live-In

KULONG ANG isang lalaki matapos daliriin ang apo ng ka-live-in sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Danilo Mendoza, 44, ng Saint Joseph St., Administration Site, Tala ng lungsod.

Sa ulat, alas-9 ng gabi, natutulog sa kuwarto ang neneng edad 9 nang pasukin ng suspek at hubaran ng short at panty bago pinasok ang daliri sa ari ng biktima.

Makalipas ang ilang sandali ay iniwan na ng suspek ang biktima na nagsumbong naman sa kanyang ina.

Sinamahan ng ina ang anak sa presinto at ipinadakip ang suspek kung saan nabatid na nagsi-mula ang pananamantala ng huli sa biktima noong pang Hunyo ng taon.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.