Kelot, itinumba ng armadong grupo

PATAY ANG ISANG 36-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang kalalakihan noong madaling-araw ng Lunes sa harap mismo ng bahay nito sa Barangay Buenlag, Calasiao, Pangasinan.

Kinilala ng PNP-Calasiao ang biktima na si Eugene Untalan, empleyado ng Coca-Cola Bottling Company.

Base sa ulat,  bandang 5:30 nang bumangon sa higaan ang biktima para maghanda sa pagpasok sa trabaho ngunit paglabas na paglabas pa lang ng bahay, isang rumaragasang traysikel na may sakay na armadong kalalakihan ang biglang huminto sa tapat ng kanilang bahay at walang sabi-sabing nirapido ng putok ang biktima.

Matapos na masigurong patay na ang biktima, agad na tumakas ang mga suspek gamit ang traysikel na sinakyan nila.

Nakakuha ang pulisya ng 16 basyo ng bala ng calibre .45 at 9 mm na baril sa pinangyarihan ng krimen.

Iniimbestigahan pa ng PNP-Calasiao kung ano ang motibo sa krimen. (ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.