Kelot, Isinakay Muna Bago Tinodas

DEAD ON the spot ang isang hindi pa kilalang lalaki nang barilin sa kaliwang mata na tumagos sa likod ng ulo ng isang kasakay nito sa tricycle sa bahagi ng Binondo, Maynila, kamakailan.

Lumalabas sa paglalarawan ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, ang nasabing biktima ay nasa edad na 20-30, may taas na 5’3’’-5’5’’, payat, nakasuot ng jacket na kulay  asul at kumbinasyong  dilaw, maong short pants at puting rubber shoes, may tattoo na “9 stars” at larawan ng rosas naman sa bukong-bukong.

Hinihinalang magkasabwat ang suspek at ang driver ng tricycle na angkas nito, na kapwa tumakas  matapos ang pamamaril.

Nabatid sa naturang report na nangyari ang krimen dakong alas-11:00 ng gabi sa panulukan ng Juan Luna at Muelle de la Industria Sts., sa Binondo.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa na¬banggit na insidente.

Samantala, dinala ang labi ng kelot sa St. Harold Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.