Kelot, Inutas ng Sariling Pamangkin

PATAY ANG isang lalaki matapos itong barilin ng kanyang pamangkin sa Barangay Sobol sa bayan ng Asingan, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Dionisio Baldena, nasa hustong gulang, habang ang suspek ay si Edwin Balbin, 31, na agad tumakas matapos ang insidente.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na habang nanonood ng TV ang biktima kasama ang kanyang mga apo ay bigla na lamang dumating ang suspek.

Binaril ito sa ulo, dibdib at tiyan na sanhi ng agarang nitong kamatayan.

Samantala, nagpapa-tuloy  pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan at inaalam ang motibo sa pananambang.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.