Kelot, Inutas ng Maskara

HINDI NA makakapiling ng kanyang pamilya ang isang 21-anyos na binata matapos itong paslangin ng nakasalubong na nakamaskarang suspek sa lalawigan ng Agusan kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Roquito Mansayunay, 21-anyos, ng Purok 1, Brgy. Sto. Tomas, Loreto, Agusan del Sur na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan dahilan ng agarang kamatayan.

Ayon kay Caraga PNP spokesperson Supt. Martin Gamba, nangyari ang krimen sa bahagi ng Purok 7, Brgy. Sto. Tomas, Loreto, Agusan del Sur, dakong ala-1 ng madaling-araw kamakalawa.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Loreto PNP na naglalakad ang biktima papauwi kasama ang kaibigan nitong ‘di na nabanggit pa ang pangalan nang pagbabarilin umano ng isang lalaki na kanilang nakasalubong na nakasuot ng maskara.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek bitbit ang kalibre 45 na baril na ginamit sa pamamaslang, habang ang kaibigan ni Mansayunay ay ‘di naman sinaktan.

(REA SARMIENTO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.