Kelot, Inutas ng Balae

PATAY ANG isang ke-lot matapos saksakin ng kanyang balae sa Iriga City.

Lumalabas sa ipinarating na report ng CamSur Police Provincial Office, kinilala ang biktimang si Leonilo Caganda.

Pinuntahan umano nito ang balaeng si Josefine Capalos na noo’y nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan upang kumprontahin, subalit nauwi ang kanilang diskusyon sa mainitang argumento hanggang sa bigla na lamang saksakin ni Capalos si Caganda.

Dalawang tama ng saksak sa tiyan ang tinamo ng biktima na bagama’t nadala pa sa Bicol Medical Center ay pumanaw rin matapos ang ilang oras.

Nabatid  naman na may matagal nang hindi pagkakaintindihan sa pamilya ang dalawa na dahilan ng kanilang sigalot.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.