Kelot, Inutas ng Ama at Kapatid

MATINDING GALIT at pagkapikon ang nagtulak sa isang ama ng tahanan upang tuluyang mapatay sa saksak ang kanyang sariling anak katuwang pa umano ang bunsong kapatid nito, kamakailan sa lalawigan ng Cagayan.

Batay sa ulat na dumating sa Camp Crame, kinilala ang napatay na si Randy Quizzagan, 36-anyos, at naninirahan sa Brgy. Nabianan, Amulung, Cagayan.

Ayon sa pagsisiyasat ng lokal na pulisya, lumalabas na nangulit nang nangulit ang biktima sa kanyang bunsong kapatid na si Roldan, 26-anyos, kaya nauwi sa pagtatalo ang dalawa pasado alas-siyete ng gabi.

Sakto namang dumating ang kanilang ama na si Conrado at nasaksihan nito ang pangungulit ng biktima sa bunsong kapatid.

Sa galit umano ng ama ay agad na inundayan nito ng saksak ang anak na lasing.

Tinulungan pa umano ng bunsong kapatid na si Randy ang kanilang ama sa pananaksak sa biktima na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang insidente ay kusang-loob namang sumuko ang mag-amang Quizzagan sa mga kinauukulan at nakatakda na umanong sampahan ng kaukulang kaso. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.