Kelot, Inunahan ang Death Threat, Nagpatiwakal

DAHIL SA pagbabanta sa kanyang buhay at ng kanyang pamilya, isang mister ang nagpakamatay sa Caloocan City kamakailan.

Base sa report ng Caloocan City Police, dakong alas-11:00 ng umaga nang matagpuan ang labi si Jurame Pobocan, 38, ng NHA Building, Tala.

Gamit ng biktima ang sintas ng sapatos sa pagbigti sa loob ng bahay ng ina nito  sa Phase 4, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Lumalabas na inatake ng nerbiyos ang biktima mula nang pagbantaan ng hindi pa kilalang salarin na papatayin ito kasama ang pamilya.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino at ano ang dahilan ng nagbabanta sa biktima.

Samantala, kaagad na isinugod ang biktima ng ilang taong naroroon sa nasabing pagamutan subalit idineklara nang patay. Habang ang salarin naman ay mabilis na nakatakas.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.