Kelot, Inatado ng Bayaw

HALOS MAHATI ang katawan at maputol ang ulo ng isang lalaki matapos tadtarin ng taga ng kanyang bayaw kasunod ng matinding palitan ng mga maanghang na salita sa Poblacion Batan, Aklan.

Kinilala ang nasabing biktimang na si Michael Hilario, 37, tricycle driver at residente ng naturang lugar.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Dario Versoza, 32.

Batay sa ulat, naganap ang insidente nang sugurin ng suspek ang biktima sa balkonahe ng kanyang bahay habang nakaupo at nakatalikod.

Nauna rito, dahil sa sobrang kalasingan ay naghamon ng away ang biktima sa suspek.

Nagpalitan pa umano ng maanghang na salita ang dalawa na nauwi sa matinding pag-aaway hanggang sa mapuno at tuluyang nataga ng suspek ang biktima sa sobrang galit.

Napag-alaman na sakit ng ulo rin ng kanyang pamilya si Hilario dahil halos araw-araw umano itong naglalasing at naghahamon ng away. Palagi rin umano nitong sinasaktan ang kanyang mga anak.

Sinasabing ang biktima rin ang nakapatay sa kanyang ama may anim na taon na ang nakararaan.

Nakahandang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.