Kelot, Inatado ng Bayaw

DUROG ANG ulo ng isang 45-anyos na magsasaka makaraang pagtatagain ng kanyang bayaw dahil sa matagal nang alitan sa bayan ng San Francisco, Quezon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktimang si Emmanuelito Loretizo Obispo, 45-anyos at nakatira sa Sitio Busdac, Brgy. Ibabang Tayuman, sakop ng nasabing bayan.

Sumuko naman ang suspek so Junjun Vargas Manto, 25-anyos, vendor at isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) at nakatira rin sa nasabing lugar.

Ayon sa San Francisco Municipal Police Station, alas-2:50 ng hapon noong Lunes nang maganap ang brutal na pamamaslang ng suspek sa biktima.

Sinasabing nagkaroon ng komprontasyon ang dalawa at muling sinumbata ni Manto si Obispo sa pagiging sipsip sa kaniyang ama kaya paborito ito.

Bagaman inaawat ng kani-kanilang pamilya ay hindi napigil si Manton na tagain ang ulo si Obispo ng halos limang beses na dahilan ng biglaang kamatayan nito.

Nang tumimbuwang na walang buhay ang biktima ay nagsidatingan ang ilang kaanak at kinondena si Manto hanggang dumating ang barangay tanod at hindi haman pumalag ang suspek sa pagdakip sa kaniya.

Huli na ang pagsisisi ni Manto sa pagpatay sa biktima at tila natauhan ito kung bakit nainggit sa bayaw.

(SIGRID CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.