Kelot, Inatado Dahil sa Talbos ng Kamote

DEAD ON arrival ang isang lalaki matapos na pagtatagain ng kanyang kapit-bahay sa bayan ng Barcelona, Sorsogon, dahil lang sa talbos ng kamote.

Base sa report na ipinaabot ng Police Regional Office 5, nangyari ang insidente kamakailan matapos na tagain ng salarin ang biktimang si Aloncio Galan, 53, ng Brgy. Sta Cruz sa natu-rang bayan.

Kinilala ang suspek na si Benny Reyes, 38, na agad namang sumuko sa mga kinauukulan at nahaharap sa kasong homicide.

Lumalabas sa pagsisiyasat, inakusahan diumano ng biktima na nagnakaw ng talbos ng kamote si Reyes, dahilan para mag-init ang kanyang ulo sabay bunot ng itak sa kanyang tagiliran at tinaga ng makailang beses si Galan.

Samantala, sinubukan pang dalhin sa ospital ang biktima, subalit idineklara itong dead on arrival.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng  Barcelona Police ang salarin para hintayin ang pagsasampa ng pormal na kaso sa kanya ng pamilya ni Galan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.