Kelot, in-screw ng kainuman

MALUBHANG NASUGATAN ANG isang lalaki matapos tarakan ng screw driver sa likod ng nakainuman makaraan magkakulitan habang naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Sa Jose Rodriguez hospital na nabunot ang nakatarak na screw driver sa likod ni Felix Pamo, 29 ng Major St., Batasan Hills, Quezon City.

Nakatakas naman si Rowelo Jovita, nasa hustong gulang ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-2 ng umaga, natapos na ang inuman ng suspek at ng biktima sa Phase 4, Bagong Silang at naglalakad na ang mga ito upang ihatid sa sakayan si Pamo nang magkakulitan.

Binunot ng suspek ang dalang screw driver at itinarak sa biktima bago tumakas habang dinala naman si Pamo sa nabanggit na ospital na nakatarak pa ang screw driver sa likod.

MARY H. SAPICO

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.