Kelot grinipuhan ng mga kaaway

“BANATAN NA NATIN ‘yan, mga kalaban yan!”

Ito ang matapang na pahayag ng isa sa sampung kalalakihan bago tinarakan sa katawan ang isang kelot nang mag-krus ang landas ng mga ito habang ang una ay naglalakad kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Naka-confine ngayon sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng saksak sa kanang balikat ang biktimang si Francis Ong, 32, ng No. 425 PNR Cmpd., Brgy., 73 ng nasabing lungsod.

Isang follow-up ope-ration naman ang isinasagawa ng mga pulis sa agarang pagkakakilanlan sa mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Samson Road, Caloocan City kasama ng dalawa pa na hindi nakuha ang pangalan nang makasalubong ng mga ito ang mga suspek.

Dito, isa sa mga suspek ang kumuha ng patalim at walang sabi-sabing sinaksak ang biktima saka nagsitakas.

Habang dinala naman sa nasabing pagamutan ang biktima upang lapatan ng lunas ang tinamong sugat.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.