Kelot, grabe sa ligaw na bala

NASA KRITIKAL na kundisyon ngayon ang isang 37-anyos na lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala na mistulang namasyal pa sa loob ng katawan ng biktima sa Mandaluyong City.

Unang dinala sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC) ang biktima subalit agad ding inilipat sa Philippine General Hospital (PGH) sanhi ng tinamong tama ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kaliwang braso na tumagos sa kaliwang dibdib bago tuluyang bumaon sa likod ng kelot na nakilalang si Michael Plaiza y Malubay, residente ng Welfareville Compound, Bgy. Addition Hills ng naturang lungsod.

Nadakip naman ang salarin na itinuturong may kagagawan ng pamamaril na si Erwin Matias Y Medina. Kasama ang pinsan nitong si Nelson Barredo Y Matias, kapwa nasa hustong gulang at residente ng No.41 C- Blk.6 Welfareville Compound ng nabanggit na barangay.

Ayon kay Rowena Miranda, live-in partner ng biktima, kay SPO1 Joemer Puzon ng Criminal Investigation Unit (CIU), dakong alas-nuwebe kamakailan ng gabi habang namamahinga umano sila sa loob ng kanilang bahay ay bigla na lang umano silang nakarinig ng mga putok ng baril.

Kasunod ng nasabing pangyayari ay napadu-ngaw ang magkare-lasyon at naaktuhan na nagpaputok ng baril si Ma-tias habang nakikipag-away sa pinsan na si Barredo. Hanggang bigla na lamang bumagsak ang biktima na duguan.

Mabilis na pinagtulungang isugod sa pagamutan ang biktima habang tumawag naman sa mga awtoridad ang ilang miyembro ng pamilya.

Samantala, agad namang rumesponde si SPO3 Roberto Posadas kung kaya’t nadakip ang magpinsan na ngayon ay kapwa nahaharap sa kasong alarm and scandals at frustrated homicide.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.