Kelot, Grabe sa Bugbog at Saksak sa Leeg

AGAW-BUHAY SA pagamutan ang isang 24-anyos na lalaki makaraang pagtulu-ngang umbagin at saksakin ng mga hindi nakikilalang suspek dahil umano sa matagal na atraso ng una sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ang biktima na patuloy na inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tinamong bukol, pasa, bali ng buto sa katawan at tama ng isang saksak sa leeg ay si Angelo Biag, live-in partner at residente ng PNR Compound, Caloocan City.

Nagsasagawa ngayon ng paghahanap ang Caloocan PNP laban sa apat na hindi nakikilalang suspek na mabilis namang nagsitakas matapos na isagawa ang krimen.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Rodney Dela Roma, may hawak ng kaso, dakong alas-7 ng umaga nang maganap ang pambubugbog at pananaksak ng mga suspek sa biktima sa DM Compound.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni PO2 Dela Roma, habang saksay ang biktima ng kanyang bisikleta at bi-nabagtas ang nasabing lugar nang harangin ito ng mga suspek.

Kaagad na pinagtulu-ngang bugbugin ng mga salarin ang biktima at nang walang malay na humandusay sa kalsada ang biktima, isa sa mga suspek na may hawak na patalim ang inundayan ng saksak ang biktima sa leeg.

Ayon sa ilang nakasaksi ng mga pangyayari, bago nagsitakas ang mga suspek ay kanilang narinig na tinuran ng isa sa mga suspek na “bayad ka na sa atraso mo”.

Ang biktima naman ay mabilis na dinala ng ilang residente sa nabanggit na lugar sa naturang pagamutan kung saan ito ay kritikal pa ang kalagayan.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.