Kelot, grabe sa boga ng humoldap sa utol

PATULOY NA tinutugis ng mga kinauukulan ang dalawang salarin na responsable sa panghoholdap at pamamaril na ikinasugat ng isang lalaki sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na  si Aldrin June De Luna Villota, 22-anyos, at residente ng Macasaet Subd .Barangay Bukal na nagpapagaling na sa ospital.

Nabatid na bago nangyari ang pamamaril ay hinoldap ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang kapatid nito na si Alyanna Jastine De Luna, 19-anyos.

Base sa impormasyon kababa pa lang umano ng dalaga sa tricycle at papasok na ng kanilang bahay nang magdeklara ng hold-up ang mga suspek na nakasuot ng bonnet at armado ng armas.

Nakuha ng mga ito ang bag ng dalaga na may lamang P800.00, ATM card, TIN card at iba pang personal na gamit.

Matapos nito bigla na lamang nagpaputok ng magkailang beses ang mga salarin kung saan aksidenteng tinamaan ang kapatid ng dalaga na si Aldrin sa kanyang kanang ibaba ng dibdib.

Agad naman na isinugod sa ospital ang biktima habang nakatakas naman ang mga holdaper.

Narekober naman ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen  ang 7 piraso ng empty shells mula sa caliber .45 na isasailalim sa cross match exmanition.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.