Kelot, Ginahasa ang Bestfriend ng Anak

ARESTADO ANG isang lalaki matapos nitong gahasain ang bestfriend ng kanyang anak na ngayon ay walong buwan nang buntis.

Noong una, inakala lamang ng dalagita na itinago sa pangalang “Angie” at ng pamilya nito na may sakit lamang siya, ngunit laking gulat nila na walong buwang buntis na pala ito.

Base sa pahayag ng 12-anyos, madalas siyang tumambay sa bahay ng kanyang bestfriend sa Cavite kung kaya’t hindi nito inaasahan na bigla na lang anya siyang pagsasamantalahan ng tatay ng kanyang kaibigan at binantaan ng huwag magsusumbong kahit kanino.

Itinanggi naman ng salarin ang mga akusasyon ng dalagita laban sa kanya.

Gayunman, arestado pa rin ito at nahaharap sa kasong Rape in relation to Child Abuse.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.