Kelot, Durog ang Ulo sa Jeep

 

HALOS MADUROG ang ulo ng assistant chief mechanic ng Camarines Sur capitol matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang jeep.

Kinilala ang nasabing biktima na si Jerry Caseles Sr. ng Mabalod-balod, Tigaon.

Ayon kay SPO3 Ambrosio Pellas ng PNP Ocampo, sinabi nitong ga-

ling kapitolyo sa bayan ng Pili si Caseles nang mag-overtake sa ilang sasakyan sa bahagi ng Barangay San Francisco, Ocampo.

Hindi umano inasahan ni Caseles na makakasalubong nito ang jeep na minamaneho ni Sulpicio Olos, 56, ng Barangay La Purisima.

Sa lakas ng impact, na-deform umano ang ulo ng biktima habang halos magkapira-piraso ang sinasakyan nitong motorsiklo.

Samantala, agad na sumuko sa mga kinauukulan ang driver ng jeep na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.