Kelot, Doble-Malas; Nadenggoy Na, Inireklamo Pa

 

LAKING MALAS ang inabot ng isang pump installer makaraang madenggoy ito ng malaking halaga ng pera at pagkatapos ay makulong pa nang ireklamo ito ng kanyang dating live-in partner ng pana-nakit sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Ang suspek na naghihimas ngayon ng rehas na bakal sa Caloocan City Police detention cell ay nakilalang si Rolando Sedol, 47, may-asawa, at naninirahan sa D. Aquino St. ng naturang lungsod.

Samantala, ang nagreklamo naman sa suspek ay ang kanyang dating kinakasama na nakilalang si Trisha Mae Mendoza, 28, ng T. Jacinto St., Caloocan City.

Base sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk, (WCPD), badang alas-7 ng umaga kahapon nang magreklamo ang biktimang si Mendoza sa tanggapan ng Station Investigation and Detecrtive Management Branch ng nasabing himpilan ng pulisya.

Ayon kay Mendoza, pumunta sa kanyang tinutuluyang bahay ang kanyang dating live-in partner at pilit umanong nakikipagbalikan subalit mariin ang pagtanggi ng huli.

Aniya, nagalit daw sa kanya ang suspek kung kaya’t pinilipit ang kanyang kamay at braso.

Ayon naman sa suspek itineks siya ni Mendoza na nagsasabing puntahan siya sa kanyang bahay, at dahil may natitira pang pagmamahal ang una sa huli ay mabilis itong pinagsadya ang nasabing babae.

Sinabi pa ng suspek, nang magkaharap na si-lang dalawa ay agad siyang hiningan ng pambayad ng kuryente at tubig kaya mabilis itong nagpaunlak at nang sumakamay na umano ang perang bigay ng suspek ay agad na tumawag ng mga pulis ang babae at ipinahuhuli na siya.

Si Sedol ay nakatakdang ipagharap sa kasong Physical Injuries sa tanggapan ng Caloocan City Prosecutor’s Office. (ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.