Kelot, ‘Di Bumitaw sa Cellphone; Kritikal sa 2 Holdaper

KRITIKAL ANG isang lalaki matapos masaksak makaraang makipagbuno sa dalawang hindi pa kilalang mga holdaper na nagtangkang umagaw ng pinakamamahal na cellphone ng una sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng dalawang saksak sa katawan si Henry Turdanes, 20, ng Pedro Cruz St., Binangonan, Rizal.

Sa ulat, alas-8 ng umaga, nagte-text ang biktima sa Sabalo St., ng lungsod nang lapitan ng mga suspek sabay dakma ng cellphone ng una.

Nakipag-agawan ang biktima na naging dahilan upang magbunot ng patalim ang mga suspek subalit hindi pa rin bumitaw ang una.

Dalawang saksak ang inabot ng biktima subalit hindi pa rin bumitiw at nang makita ng mga suspek ang ilang tambay na papalapit ay nagsitakas habang dinala naman ang una sa JRMMC na hawak pa rin ang cellphone.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.