Kelot, Dedo sa Puno ng Niyog

PATAY ANG isang lalaki matapos madaganan ng puno ng niyog sa Taluya, Glan, Sarangani province.

Kinilala ang nasabing  biktima na si Sarabi Andukan, 32, may asawa at residente ng naturang lugar.

Ayon kay Glen Pacaña, ng Taluya, mahimbing na natutulog ang mag-anak nang biglang matumba ang puno ng niyog at tumama sa kanilang bahay hanggang sa madaganan si Andukan.

Bagama’t sinasabing hindi malakas ang hangin ay nabatid na malapit nang mabuwal mula sa lupa ang nasabing puno ng niyog na 30 talampakan ang taas.

Samantala, sa kabutihang palad ay suwerte na hindi natamaan ang mag-ina ni Andukan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.