Kelot, Dedo sa Heat Stroke

PATAY ANG  isang 47-anyos na lalaki matapos na ma-heat stroke sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.

Nakilala ang naturang biktima na si Cesar Sacalditaw, 47, tubong Brgy Balanga sa bayan ng Pinili, Ilocos Norte.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naglalakad ang biktima sa kalsada upang hanapin ang mga kamag-anak sa lugar nang bigla itong mawalan ng malay.

Agad naman itong isinugod sa ospital ng mga concerned citizen ngunit idineklarang dead on arrival.

Samantala, sinasabing heat stroke ang nakikitang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Isinailalim na rin ang bangkay ng biktima sa awtopsiya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.