Kelot, Dedo sa Drag Race

PATAY ANG isang motorista matapos maaksidente habang nakikipaghabulan umano sa mga kapwa motorista sa national highway sa Bacarra, Ilocos Norte.

Kinilala ang nasabing biktima na si Fahed Bugarin, 22, residente ng Brgy. 30, Bacarra, matapos na sumemplang ang sinakyang motorsiklo at nagtamo ng grabeng sugat sa ulo at sa dibdib.

Hinihinala na kabi-lang si Bugarin sa mga nagsagawa ng drag race sa national highway sa boundary ng Bacarra at Pasuquin, Ilocos Norte.

Samantala, kinondena ng PNP ang mga nagsasagawa ng drag race at hindi rin umano ipinaabot sa PNP ang nangyari sa biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.