Kelot, Dedo sa Baril at Saksak

PATAY ANG isang lalaki matapos pagbabarilin at pagsasaksakin pa sa Area A Gate 1 ng Pier 2 sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Corpuz, 40-anyos na isang parking boy sa Divisoria.

Ayon kay SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, may kainuman ang nasabing biktima bago mangyari ang insidente subalit hindi naman mabatid ang motibo sa pamamaslang.

Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng pulisya habang pinaghahanap pa ang mga salarin. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.