Kelot, dedbol sa tinagang pulis

PATAY ANG isang nagwalang lalaki na nabaril ng nagrespondeng pulis na tinaga nito sa Magarao, Camarines Sur.

Kinilala ang nasawi na si Rodel Ensinada na residente ng nabanggit na lugar.

Una nang naiulat na nagresponde ang apat na pulis na kinabibilangan ni PO2 Ronilo Sierte sa naturang lugar kung saan nadatnan ang nag-aamok na si Ensinada.

Subalit mas nagalit si Ensinada sa presensya ng mga awtoridad kung saan pinagbabato ang mga ito.

Nang matumba si Sierte ay rito na sinamantala ang pagkakataon ng suspek na tagain ang pulis na nagtamo ng sugat sa kanyang siko.

Bilang pagdepensa umano sa sarili ay pinaputukan nito ng baril si Ensinada na tinamaan sa kanyang dibdib at siyang naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Sa ngayon, nakalabas na sa pagamutan si Sierte dahil sa tinamong sugat.

Samantala, pinag-aaralan ng pamilya ni Ensinada kung magsasampa ng reklamo laban sa nakabaril na parak.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.