Kelot, Dakip sa Paghimas ng Boobs

KULONG ANG isang lalaki sa Quezon province makaraang ireklamo ng Acts of Lasciviousness ng isang babae.

Lumalabas sa impormasyon na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office, tinukoy ang salarinna si Oliver Panganiban, nasa tamang edad, at residente ng Brgy. Sila-nganan.

Alas-9:30 umano ng gabi nang sumugod sa himpilan ng Dolores Police Station ang isang Gigi Alvarez, 38, na residente ng Barangay Sta. Lucia ng Dolores.

Nagsampa umano ito ng reklamo laban sa naturang suspek makaraang himasin ang kanyang dibdib.

Samantala, agad na nagresponde ang mga awtoridad at naaresto ang salarin sa bahay nito na sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.