Kelot, dakip sa pagdakma ng dibdib

KULONG ANG lalaking lango sa alak matapos daklutin ang dibdib ng kapitbahay na dalagita sa Malabon City kahapon ng umaga.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Child Abuse si Wilvin Roque, nasa hustong gulang ng Tañong ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 16, alas-6:15 ng umaga, naglalakad siya sa nasabing lugar nang makasalubong ang lasing na suspek.

Napasigaw ang biktima nang daklutin ng suspek ang dibdib at nang makakawala sa pagkakahawak ay nagsumbong sa mga barangay tanod ang dalagita na naging dahilan upang damputin ang suspek at dalhin sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.