Kelot, Butas ang Bungo sa Boga

BUTAS ANG bungo ng isang lalaki makaraang paulanan ng bala ng hindi nakikilalang salarin habang ang una ay naglalakad sa isang kalye sa Quezon City kamakailan.

Dead-on-the-spot sa nasabing lugar ang biktimang si Peterson Eusebio, 30, dahil sa tinamong dalawang tama ng bala sa ulo, ayon kay SPO1 Joselito Gagaza, may-hawak ng kaso.

Mabilis namang tumakas ang nag-iisang salarin matapos ang pamamaril na naglakad lamang umano na parang walang nangyari.

Basea inisyal na pagsisiyasat, naganap ang insidente sa harap ng SOGO hotel na matatagpuan sa Brgy. Nova Proper, ganap na alas-12 ng tanghali.

Diumano, naglalakad ang biktima sa natu-rang lugar nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril at pinaputukan ng dalawang sunod sa ulo ang una.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa naturang insidente.

Samantala, blangko pa rin ang pulisya sa motibo sa naganap na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.