Kelot, Binugbog Matapos Akyatin ang Bahay ng Konsehala

BUGBOG NA, kulong pa ang isang kelot matapos akyatin ang bahay ng isang konsehala sa Malabon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Benjie Sevilla, 31, ng Samson Rd., Caloocan City.

Sa ulat, alas-6 ng umaga, nakita ng ilang tambay ang suspek na inakyat ang bahay ni 1st Dist. Councilor Maricar Torres ng Gen. Luna St., Ibaba ng lungsod.

Agad na sinita ang suspek at nang makababa ay pinagtulungang bugbugin bago dinala sa presinto.

Nakuhanan pa ng isang sachet ng Shabu ang suspek kung saan inaalam na kung may nawalang gamit sa biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.