Kelot, binoga sa ari

ILOILO CITY – LABIS ngayon ang pagdadalamhati ng isang lalaki matapos mabaril ang kanyang ari sa lalawigan ng Iloilo.

Ang nasabing biktima ay si Rolly Cagampay, 28-anyos, binata at residente ng Brgy. Gines Patag, sa bayan ng Cabatuan.

Sapol ang ari ng biktima sa tama ng 12-gauge shotgun at patuloy na inoobserbahan sa West Visayas State University Medical Center sa nabanggit na lungsod.

Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad kung sadyang binaril o aksidente lamang ang nangyari kay Cagampay. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.