Kelot, Binoga ng Kainuman Dahil sa Tattoo

PATAY ANG isang 33-anyos na kelot matapos barilin ng kainuman dahil lamang sa pagtatalo sa tattoo, sa Brgy. Wright, Tapaz, Capiz.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Joan Salva, 33, ng Brg. Batan, Lambunao, Iloilo dahil sa mga tinamong sugat sa dibdib matapos barilin ng kainumang suspek na si Luel Castor, 28, gamit ang isang 12-gauge shotgun

Base sa pagsisiyasat, napag-alaman na nagkasagutan ang dalawa dahil sa tattoo, dala na rin ng sobrang kalasingan habang nag-iinuman sa mismong bahay ng salarin.

Sa ngayon, patuloy ang pursuit operation ng mga awtoridad para mahuli ang nakatakas na salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.