Kelot, Binoga ng 3 Mag-uutol

PATAY NA nang makarating sa pagamutan ang lalaking pinaulanan ng bala ng tatlong magkakapatid sa Barangay Sagrada Familia, Dumarao, lalawigan ng Capiz.

Nagtamo ng mara-ming sugat sa katawan ang 43-anyos na si Francisco Dela Torre makaraang barilin ng magkakapatid na kinilalang sina Romeo, Ronel at Romelo Bagaforo ng naturang lugar.

Ayon sa report ng Dumarao police station, tinambangan ng magkakapatid ang biktima habang bumibili ng softdrink sa tindahan.

Isinugod pa sa Barotac Viejo District Hospital ang biktima ngunit hindi na naagapan ng mga doktor.

Narekober sa lugar na pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng kalibre .45, dalawang basyo ng 12 gauge shotgun at apat na basyo ng 9mm pistol. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.